Biyernes, Oktubre 16, 2015

Kaibigan

Naranasan mo na bang mawalan ng makakasama? O di kaya'y mapag iwanan ng tadhana? At pakiramdam mong ikaw na lamang mag-isa sa buhay at naiisip mo na ikaw na ang pinakamalas na tao sa mundo? Sa ganitong dagok sa buhay na nararanasan mo, kailangan mo ng isang taong magpapasaya at magpapaaliwalas muli ng buhay mo. Yung taong magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa at lagi ka niyang papasiyahin sa tuwing magkasama kayo.Yung taong laging nasa TABI mo sa tuwing umiiyak ka at nalulungkot ka. Ang taong ito ay isang espesyal sa iyo. Ito ay ang iyong kaibigan. Para sa akin, ang kaibigan ay laging naandyan sa TABI mo para tumulong sa'yo. At magpakita sa'yo ng kagandahan ng mundo. Bukod sa pamilya at sa Poong maykapal nandyan din sila sa tabi mo. Kaibigan na akala mo tutulungan ka kapag nadapa ka..oo kadalasan tutulungan ka pero pagkatapos nun,tatawanan ka pa. Pero sa kanyang pagtawa ay mapapatawa ka rin dahil masaya siya. Napakaswerte mo na kung ang kaibigan mo ay lagi mong nakakasama. Nakakatuwa at nakakataba ng puso kung lagi ka niyang naaalala dahil ibig sabihin nito ay mahalaga ka para sa kanya. Naranasan mo na bang masaktan? Dahil kung oo, nandyan si kaibigan para sayo.Naransan mo na bang umiyak ka sa kaibigan mo dahil kaka-break niyo lang ng taong mahal mo? Yung kaibigan mong hindi nagsasawang pakinggan yung mga OA mong sinasabi tungkol sa lalaking nanakit sa puso mo. Pero pinapatahan ka at pilit kang pinapasaya sa mga corny niyang jokes. Minsan nga'y lolokohin ka niya na at sasabihinh "Wag ka ng umiyak...baka lumobo yang sipon mo" hahahaha... Diba nakakatuwang isipin. Pagkatapos kakain kayo ng ice cream hmmmm...sarap..bilang pampalamig ng ulo mo.At sabay pahid sa mukha ninyong dalawa at paglalaruan hanggang sa magsilagkitan na ang inyong mga mukha. Hayssss talagang ang sayang kasama ng kaibigan lalo na kapag medyo baliw ang kasama mong kaibigan. At minsan pa nga ay kapag hirap ka sa paggawa ng projects o assignments nandyan siya para tumulong sa'yo at nandyan din siya minsan para kumopya sa iyo. Sadyang give and take lang yan. Ganun talaga, siyempre susuklian mo rin siya ng kasiyahan na ipinararamdam niya sa'yo at pagpapahalaga na ginagawa niya sa iyo.Masasabi kong swerte ang magkaroon ng tunay na kaibigan. Mga kaibigang nasa TABI mo parati.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento