Naranasan
mo na bang mawalan ng makakasama? O di kaya'y mapag iwanan ng tadhana? At
pakiramdam mong ikaw na lamang mag-isa sa buhay at naiisip mo na ikaw na ang
pinakamalas na tao sa mundo? Sa ganitong dagok sa buhay na nararanasan mo,
kailangan mo ng isang taong magpapasaya at magpapaaliwalas muli ng buhay mo.
Yung taong magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa at lagi ka niyang
papasiyahin sa tuwing magkasama kayo.Yung taong laging nasa TABI mo sa tuwing
umiiyak ka at nalulungkot ka. Ang taong ito ay isang espesyal sa iyo. Ito ay
ang iyong kaibigan. Para sa akin, ang kaibigan ay laging naandyan sa TABI mo
para tumulong sa'yo. At magpakita sa'yo ng kagandahan ng mundo. Bukod sa
pamilya at sa Poong maykapal nandyan din sila sa tabi mo. Kaibigan na akala mo
tutulungan ka kapag nadapa ka..oo kadalasan tutulungan ka pero pagkatapos
nun,tatawanan ka pa. Pero sa kanyang pagtawa ay mapapatawa ka rin dahil masaya
siya. Napakaswerte mo na kung ang kaibigan mo ay lagi mong nakakasama.
Nakakatuwa at nakakataba ng puso kung lagi ka niyang naaalala dahil ibig
sabihin nito ay mahalaga ka para sa kanya. Naranasan mo na bang masaktan? Dahil
kung oo, nandyan si kaibigan para sayo.Naransan mo na bang umiyak ka sa
kaibigan mo dahil kaka-break niyo lang ng taong mahal mo? Yung kaibigan mong
hindi nagsasawang pakinggan yung mga OA mong sinasabi tungkol sa lalaking
nanakit sa puso mo. Pero pinapatahan ka at pilit kang pinapasaya sa mga corny
niyang jokes. Minsan nga'y lolokohin ka niya na at sasabihinh "Wag ka ng
umiyak...baka lumobo yang sipon mo" hahahaha... Diba nakakatuwang isipin.
Pagkatapos kakain kayo ng ice cream hmmmm...sarap..bilang pampalamig ng ulo
mo.At sabay pahid sa mukha ninyong dalawa at paglalaruan hanggang sa
magsilagkitan na ang inyong mga mukha. Hayssss talagang ang sayang kasama ng kaibigan
lalo na kapag medyo baliw ang kasama mong kaibigan. At minsan pa nga ay kapag
hirap ka sa paggawa ng projects o assignments nandyan siya para tumulong sa'yo
at nandyan din siya minsan para kumopya sa iyo. Sadyang give and take lang yan.
Ganun talaga, siyempre susuklian mo rin siya ng kasiyahan na ipinararamdam niya
sa'yo at pagpapahalaga na ginagawa niya sa iyo.Masasabi kong swerte ang
magkaroon ng tunay na kaibigan. Mga kaibigang nasa TABI mo parati.
